LORENZO
RUIZ, UNA NAMING MARTIR
Lorenzo
Ruiz una naming martir
Totoong kay rami ng pagtutunggali
Sa buong buhay mo
Halos di mawari, makailang ulit muntik na magapi
Ngunit nakaraos ng maluwalhati. Pananampalataya di mo itinatwa
Nanindigan kang Kristyano sa diwa
At napatunayang kahit sa gawa
Mga naghihirap sa'yo ay namangha.
Ng ika' pinilit na iyong talikdan
Pananampalatayang iyong kinagisnan
Buong tatag man din na 'yong tinuran
Ako ay Kristyano at handang mamatay
Libu-libong buhay kung may'ron man ako
Sa Panginoong Diyos ay ihahandog ko.
For more
information please contact Jaymes at jaymes@diazfoundation.org
This page is sponsored by the DIAZ FOUNDATION to celebrate the first Filipino
Saint and Martyr, St Lorenzo Ruiz.